INARESTO ng pulisya ang tatlong babae na pinaghinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bukidnon.
Inihayag ni Police Regional Office-10 spokesperson Capt Francisco Sabud Jr., na kabilang sa mga naaresto sina Mary Jean Villados, 45 anyos, da-ting empleyado ng city hall ng Valencia City na umano’y maybahay ng isang nagpakilalang tagapagsalita ng CPP-NPA North Central Mindanao Regional Committee na si alyas Ka Malim Mabini; Cecilia Acenas, 64; at Helen Coleta, 66, residente ng Don Carlos, Bukidnon.
Inihayag ni Sabud na kaya inaresto ang mga ito dahil mayroong mga kaso na kinaharap sa magkaibang mga korte sa Mindanao.
Sinabi ng opisyal na baga-mat walang kasalakuyang kaso na kinaharap si Villados subali’t dahil sa narekober na mga pambasabog at kagamitan para sa kilusan ay may kahaharapin na itong kaso.
Nahaharap naman sa kasong murder at kidnapping sina Acenas at Coleta na umano’y nagawa nila noong nadestino sila sa Caraga Region.
Isa namang nagpagkilala na tagapagsalita ng CCP-NPA Bukidnon na si alyas Liyab ang iginiit na bagama’t maybahay ni Ka Malim si Villados ay mas pinili nito na mamuhay ng mapayapa, pero pinilit parin ng mga otoridad na lagyan ng mga ebidensya para gawing ligal ang ginawang operasyon.
The post Misis ng NPA official, 2 pa ‘tinaniman’ ng ebidensiya para maaresto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: