Facebook

‘SGM Wesley So Cup’ sa susunod na PCAP conference

MAY dagdag na sinag ng liwanag ang nabanaag para sa ahedres Pilipinas.
Malugod na inanunsiyo kamakailan ng PCAP na ang second conference nito ay tataguriang “SGM Wesley So Cup”.
Ayon kay PCAP Commissioner Paul Elauria, ang una’t naghaharing World Champion ng Fischer-Random Chess ay aayuda sa ikalawang yugto ng liga na nasa buwenamanong pagsulong pa lamang sa taong kssalukuyan.. Bukod sa paunlak na pag-gamit ng kanyang pangalan, ang Super Grandmaster ay maglalaan din ng pondo para sa cash prize ng torneo.
Tanging hiling lamang ni SGM ayon kay Elauria, ay matiyak na ang premyong salapi ay maipapamahagi mismo sa mga manlalaro.
Nais lamang ni SGM Wesley So na direktang matulungan ang mga manlalaro.
It will be recalled that the world champion was recently awarded U.S. citizenship. It only confirms that SGM So is true to his words that he remains a Filipino by heart and confirms his continued support to the Pinoy chess players. While this partnership has long been finalized, we deemed it timely to announce it now, to somehow remind our chess players that SGM So has always been concerned with his countrymen, despite his move to the US. After all, chess knows no citizenship.”, Elauria added.
Susulong ang PCAP second conference, mula Mayo hanggang Hulyo 2021, ito ay sasangkapan ng international players na magre-reinforce sa 24 koponan ng PCAP.
“The format will give the Filipino players a chance to test the skills of their foreign counterparts and will thus add excitement to our games.”, ani pa Elauria.
Ang PCAP ang natatanging professional chess league sa bansa at ito ay may basbas ng Games and Amusements Board sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra.(Danny Simon)

The post ‘SGM Wesley So Cup’ sa susunod na PCAP conference appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘SGM Wesley So Cup’ sa susunod na PCAP conference ‘SGM Wesley So Cup’ sa susunod na PCAP conference Reviewed by misfitgympal on Marso 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.