Facebook

War materials, nadiskubre sa Nueva Ecija at Isabela

Nadiskubre ng mga tauhan ng PNP ang lugar kung saan nakaimbak ang mga war materials ng CPP-NPA sa ikinasang dalawang araw na police operation sa Central Luzon at Cagayan Valley.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, ang nasabing operasyon suporta sa kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon kay Sinas, malaking kawalan sa Komunistang grupo ang pagkakasabat sa kanilang mga high-powered firearms at ilang mga mahahalagang mga dokumento.
Nagsagawa ng security operation “Mapika” ang mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion 3, 22nd Special Action Force, Gapan CPS, kasama ang 1st Sqd, Intel Platoon ng 84IB ng Philippine Army na nagresulta sa pagkakadiskubri ng dating kampo ng Communist Terrorist Groups at dito narekober ang mga armas, supply cache at mga subversive documents.
Kabilang sa mga narekober ang mga sumusunod: One (1) 5.56 M16 rifle, Four (4) pcs 5.56 Cal Short Alloy Magazine, One (1) pc 5.56 Cal Short Plastic Magazine, Eighteen (18) 5.56 cal live ammunition, Three (3) pcs 40mm ammunition, One (1) rifle grenade, One (1) NPA Flag and, at One (1) Bandolier.
Sa ikinasang joint operation naman ng PNP at AFP-53rd Division Reconnaisance Company, PNP San Mariano, Isabela at 502nd BDE kasama ang dating rebelde na sumuko sa gobyerno natunton ng mga sundalo at pulis ang lugar kung saan naka tago ang mga armas at war materials ng CPP-NPA.
Narekober mula sa nasabing hideout ang isang cal.45 pistol na may magazine na may anim na live ammunition at isang vertex standard radio na walang anthena sa Sitio Lucban, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.
Habang ongoing ang documentation, sumuko sa mga government forces ang isang NPA member na si Wilmar Bayang alias Mar/Tukak, Melita ng Bayan member na nagturo sa isa pang armas cache ng CPP-NPA kung saan narekober ang 15 piraso ng blasting machine at remote control para sa Improvise Explosive Device (IED).(Gaynor Bonilla)

The post War materials, nadiskubre sa Nueva Ecija at Isabela appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
War materials, nadiskubre sa Nueva Ecija at Isabela War materials, nadiskubre sa Nueva Ecija at Isabela Reviewed by misfitgympal on Marso 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.