Facebook

Kaya may ‘K’ daw maging senador…Robin nakapagtapos ng studies sey ni Mariel; KC halos maparalisa nang magka-Covid sa Tate

Ni JOVI LLOZA

SA post sa IG ng singer-actress na si KC Concepcion ay ibinahagi nito na siya ay nagpapagaling na.
Tinamaan kasi si KC ng Covid na ang grabeng epekto na tumama sa kanya ay ang neuroligical effect.
Kungdi nga raw naagapan pa ay baka mauwi ito sa pagkaparalisa niya.
At buti na lang at maagap ang mga dalubhasa sa Amerika. Nagdarasal din si KC para sa kanyang mabilis na recovery sa dumapong sakit.
Nag-post din ang aktres sa kanyang IG na okey na siya at huwag na mag-alala pa.
Need na rin niya na mapabilis sa paggaling dahil may International project pa itong gagawin.
Kauna-unahang International movie ito ni KC kaya need na ang paspasan na paggaling.
Hindi na rin nag-aalala lahat ng nagmanahal kay KC na mga kaanak, kaibigan at tagahanga nang sabihin nito sa socmed na nagpapagaling na siya.
***
NANGUNA sa senatorial slate si Robin Padilla kaya marami ang nagtaas ng kilay sa aktor.
May samu’t saring negatibong reaksyon sa pagiging no. 1 ni Robin.
Ang inaasahan na mangunguna sa senatorial race ay ang laki ng lamang ni Binoe.
Super react naman ang misis na si Mariel Padilla.
Sey ng TV host- actress mom na si Mariel, nakapagtapos naman daw ng kolehiyo ang kanyang mister.
Kaya sa mga mapanghusga riyan, ‘bawal ang judgemental’.
Sa mga nangba-bash kay Robin na soon to be senator na ay ipinagwagwagan ni Mariel na tapos ng BS Criminology ang mister.
Kaya makagagawa raw ito ng batas na mapakikinabangan ng nakararaming Pinoy.
Tignan natin. Well, well, well…’Yun na!

The post Kaya may ‘K’ daw maging senador…Robin nakapagtapos ng studies sey ni Mariel; KC halos maparalisa nang magka-Covid sa Tate appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kaya may ‘K’ daw maging senador…Robin nakapagtapos ng studies sey ni Mariel; KC halos maparalisa nang magka-Covid sa Tate Kaya may ‘K’ daw maging senador…Robin nakapagtapos ng studies sey ni Mariel; KC halos maparalisa nang magka-Covid sa Tate Reviewed by misfitgympal on Mayo 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.