Facebook

LUCKY 9

MAAARING masabi ninyo na ako naman ay adelantado, kung magbahagi ng aking pananaw sa nakaraang pagkapanalo ng 433 katao sa lotto na ang jackpot ay umabot nang it lagpas P200 milyong piso pagpasok ng buwan na ito.

Marami ang namangha sa pangyayari. Ang iba pa nga ay nagpatawag pa ng imbestigasyon sa pagtataka. Samantalang ang iba naman ay nagsaad ng kanilang pagka-duda.

Sabi ng mga dalubhasa sa matematika at mga numero, ang resulta ng lotto draw noong October 1, 2022 ay talaga namang mahirap isipin paanong nangyari. Dahil ang resulta (9-18-27-36-45-54), kung ating bubusisiin ay pinagmulan ng numero nuwebe (9) na pinarami lamang o’ minultiply at maaaring ma-devide o’ mahati sa 9.

Kung tutuusin, para sa ibang dalubhasa, ay pwede naman talagang mangyari, dahil binobola ng walang daya, ang resulta sa lotto na pinangangasiwaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO).

Ang paliwanag nga ng PCSO, ang kumbinasyon ng resulta ng 6/55 o Grand Lotto ay naalagaan o laging tinatayaan ng mga nanalo, dahil sa paniwala na swerte ang numerong nuwebe o ‘lucky 9.’

Sa 433 na nanalo, may labingdalawa lamang, ayon sa PCSO, ang nanalo dahil sa pagtaya sa paraang lucky pick. Ito yung hahayaan na ng manaya kung ano ang ibibigay ng makinang tayaan na magiging kumbinasyon ng kanilang taya.

Patotoo na siguro ito na talagang bwenas ang numerong nuwebe. Dahil mismong makina at tayang lucky pick ay mismong inilabas ang nasabing mga numero ng kumbinasyong nanalo.

Para sa akin, bakit pa tayo nagtatanong at magtataka? Hindi ba dapat ang pagtakhan natin ay bakit walang nananalo? Minsan nga sa napakalaking jackpot na papremyo na naipon na, dahil sa kada-draw ay walang nananalo, nagdududa na tayo, at sa bandang huli ay nasolo ng iisang nanalo. Hindi ba’t napaka-swerte naman ng winner na ganun. Nawalang bigla ang ating pagdududa.

Ganyan talaga ang sugal o’ sabi nga ay “game of chance”. “One in a million” ika nga, ang tsansang manalo.

Nagkataon sa pagkakataong ito, na karamihan sa mananaya ng lotto ay talagang naniniwala sa swerte ng number 9. At talagang isinugal ang paniniwalang iyon, na ang pattern ng kanilang taya ay divisible o multiple o ang common denominator ay ang lucky number na 9.

Sa pattern na ito, nagbunga ang kanilang paniniwala sa lucky 9. Yun nga lang, marami pala sila talagang naniniwala sa lucky 9. Ganun lang yun, talagang swerte ang numero nuwebe kaya nga binanasagan itong ‘lucky 9’.

The post LUCKY 9 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LUCKY 9 LUCKY 9 Reviewed by misfitgympal on Oktubre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.