Facebook

RESPETO SA PANANAMPALATAYA PANAWAGAN NG MUSLIM COMMUNITY!

Ang kakulangan sa kaalaman partikular na sa pananamapalataya ng iba’t ibang relihyon ay gulo ang karaniwang epekto.

Kaya naman. , panawagan ngayon ng NATIONAL COMMISSION ON MUSLIM FILIPINOS (NCMF) sa sangkatauhan na ipairal o dapat matutunan ng lahat ang PAGRESPETO SA PANANAMPALATAYA.

Isang ipinunto ng NCMF sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si YUSOP MAGO ang isinagawang PET EVENT nitong October 3 sa FISHERMALL ATRIUM, QUEZON CITY.., na isa sa mga contestant ay nagtanghal ng eksenang “NABASTOS” ang MUSLIM’S FAITH sa pamamagitan ng eksenang kahalintulad o replika ng HOLY KA’ABA.., na ang video ay nag-viral pa sa social media at natural na magagalit ang MUSLIM COMMUNITY dahil insulto nga naman iyon sa kanilang pananampalataya.

Mga ka-ARYA, lalo na sa mga NON-MUSLIM.., ang KA’ABA ay MUSLIM’S HOLY SHRINE, na isang gusali ito na nasa gitna ng GREAT MOSQUE sa MECCA, SAUDI ARABIA.

Siyempre pa.., nagpupuyos sa galit ang MUSLIM COMMUNITY nang mapanood nila ang video sa Facebook ng isang contestant na naka-costume ARABIAN at mayroon itong props na replika ng KA’ABA na pinagkahunan ng kaniyang alagang aso

“THEY INSULTED THE KINGDOM OF SAUDI ARABIA. THEY INSULTED THE RELIGION OF ISLAM/MUSLIM”.

“You guys got no respect for Islam Religion. I don’t know what gave you courage to use the Holy Kaaba as design for a dog cage for pet show and even represent the Saudi Arabia. Ang daming pwede gamitin as a design for a cage at naisip mo pa ang Holy Kaaba. Very wrong”.

Ilan lamang yan sa naging reaksiyon sa fb posts ng MUSLIM COMMUNITY na ang ginawang PUBLIC APOLOGY ng contestant at ng PET EVENT STAFF gayundin ng MALL.MANAGEMENT ay hindi umano sapat.

Ipinunto naman ng NCMF NATIONAL CAPITAL REGION na ang ginawang mga APOLOGY ay hindi katanggap-tanggap sa panig ng mga MUSLIM.., na ang tanging magagawa ng NCMF ay ang mamagitan lamang sa paghingi ng paumanhin mula sa mga nasasangkot sa nasabing event.., at mapayuhan ang pamilya ng contestant na alamin nila ang ISLAM para maintindihan kung gaano katindi ang epektong kanilang nalikha.

Bukod sa naturang isyu ay kinokondena rin ng NCMF ang hinanakit ng mga nakabilanggong MUSLIM na hindi umano pinahahalagahan ng mga JAIL PERSONNEL ang MUSLIM’S DOCTRINES na pilit silang pinakakain ng karneng baboy gayong bawal sa kanilang pananampalataya.

Sa puntong ito.., ang mga awtoridad natin ay dapat o napapanahon na mabigyang kaalaman sa doktrinang sinusunod ng iba’t ibang relihyon upang maibigay ang tamang pagtrato sa lahat ng mamamayan.., Ika nga RESPETUHIN ANG PANANAMPALATAYA NINUMAN!

— 000 —
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post RESPETO SA PANANAMPALATAYA PANAWAGAN NG MUSLIM COMMUNITY! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
RESPETO SA PANANAMPALATAYA PANAWAGAN NG MUSLIM COMMUNITY! RESPETO SA PANANAMPALATAYA PANAWAGAN NG MUSLIM COMMUNITY! Reviewed by misfitgympal on Oktubre 11, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.