Facebook

FERDINAND MARCOS (Ika-16 na Bahagi)

MUKHANG wala sa katinuan ng pag-iisip si Migz Zubiri nang hingin niya sa mass media na pagandahin ang imahe publiko ng Filipinas. Hindi trabaho ng mass media na pagandahin ang imahe ng bansa. Trabaho ito ng mga pulitiko. Trabaho nila na magsilbi ng tapat at gawin ang tama at nararapat upang gumanda ang imahe ng bansa. Inuulat lang ng mass media ang kanilang ginagawa. Akala niya basta mauutusan ang mass media. Maling-mali.

Hindi naiintindihan ni Zubiri ang mass media. Hindi kami nagtataka. Hindi binubuo ng mga magaling at matinong kasapi ang kasalukuyang Senado. Karamihan sa mga senador ay mga pipitsugin at patapon at walang sapat na edukasyon. Walang tumatayong senador upang ipaglaban at tumangkilik ng mga matinong simulain. Hindi sila maasahan upang ipaglaban ang interes ang bansa. Mas mahal nila ang kanilang sariling kapakanan imbes na ang bayan.

***

HINDI malaman ng mga kaalyado ni Rodrigo Duterte kung paano ilalayo ang kanilang amo sa pagpaslang kay Percy Lapid. Hindi kasi naniniwala ang maraming netizen na si Gerald Bantag ang utak ng pagpatay sa beteranong komentarista. Hindi tumitigil ang ingay na si Duterte ang nasa likod ng pagpaslang kay Percy. Pilit na inuugnay si Duterte sa patayan.

Naunang tumukod kay Duterte si Zubiri. Sumunod si Bato dela Rosa. Walang naniniwala sa kanila. Iyan ang pinakamalaki nilang problema. Hindi sila sineseryoso. Mistulang payaso ang tingin sa kanila. Ang mga ibang kaalyado ay dumistansya na. Hindi nila maatim na tumukod kay Duterte. Inuna nila ang sarili. Bakit nga ba? Wala na sa poder si Duterte. Hindi na siya importante bagaman pilit niyang binibigyan ng kahalagahan ang sarili.

***

SINUSUNDAN namin ang nakalipas na midterm elections sa Estados Unidos. Batay sa resulta, tinanggihan ng mga botanteng Amerikano ang mga kasinungalingan at kagaguhan ni Donald Trump. Mukhang mauuwi sa 50-50 ang halalan ng mga senador. Tig-limampu ang Democrat at Republican sa Senado na binubuo ng 100 kasapi. Kontrolado ng Democrat ang Senado dahil Democrat si Vice President Kamala Harris, ang presiding officer ng Senado. Si Harris ang magbibigay ng huling boto na babasag sa tablang boto sa anumang isyu sa Senado.

Lamang ang mga Republican sa Camara de Representante ng Estados Unidos. Humahabol ang mga Democrat. Kahit lumamang ang mga Republican sa Camara, hindi nila mapapalusot ang mga panukalang batas na kanilang itinataguyod dahil hindi ito kukuha ng suporta sa Senado na mapupunta sa mga Democrat. Kailangan ang suporta ng dalawang kapulungan – Senado at Camara- upang maipasa ang isang panukalang batas o anuman ihain ng mga Republican.

***

HINAMON ni JV Ejercito si John Amores na magtuos sa isang laban ng boksing. Kung hindi ba saksakan ng gago si JV, imbes na pakalmahin ang bayan dahil sa eskandalo ni Amores, siya pa ang gumagatong sa sitwasyon. Wala siyang napatunayan kundi kasing gago niya si Amores na nanuntok ng mga katunggali sa basketbol. O mas gago siya. Bakit hindi niya hamunin si Jinggoy Estrada? Bakit hindi sila ang magtuos para malaman kung sino sa kanila ang Cain?

***

Halaw ang mga sumusunod sa isang aklat na aking tinatapos tungkol sa diktadura ni Marcos.

MUSLIM SEPARATIST WAR

The MNLF did not limit its separatist struggle in the local front. It pursued diplomatic initiatives to get global attention to its secessionist agenda. After getting Indonesia’s support, the Marcos government took steps to woo too the OIC. In 1974, they both got OIC’s attention, but the latter only agreed for a political settlement within the confines of the Philippine Constitution and territorial integrity. Also, the MNLF applied for full membership in the OIC, but the latter only gave it an observer status. The OIC did not like the MNLF’s demand for a separate state because certain OIC member-states had their secessionist issues too. Agreeing to what the MNLF wanted could open the floodgates of their nagging separatist problems, triggering political crises among them. Applying pressure, the OIC succeeded in bringing the Marcos government and the MNLF to the negotiating table for a political settlement.

Under the auspices of the OIC, representatives of the Philippine government and the MNLF met several times in Jeddah and Teheran, leading to the pivotal meeting in Tripoli, Libya on December 15, 1975 . The Philippine delegation to the Tripoli Conference was led by Defense Undersecretary for Civilian Relations Carmelo Barbero. Ferdinand Marcos sensed the importance of the Tripoli talks to send wife Imelda to deal with Libyan strongman Moammar Ghadafi to ensure he would get what he wanted most. In December 24, 1975, the two sides ironed out the Tripoli Agreement that immediately called for a ceasefire on hostilities between their contending armies. It promised autonomy to 13 provinces: Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Palawan, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, South Cotabato and Davao del Sur. The MNLF originally demanded autonomy for the whole of Mindanao, Sulu, Tawi-Tawi and Palawan area that comprised 21 provinces, but the Philippine panel rejected it and the OIC agreed.

The MNLF got several concessions, prompting Nur Misuari to believe that the MNLF under his leadership succeeded to negotiate for a virtual homeland for the Muslim people. But this was far from the truth. While the suggested autonomous region under the Tripoli Agreement would have its own security forces, it was under AFP’s control, not MNLF’s. In brief, the MNLF did not have separate armed forces as what they wanted. Moreover, using his authoritarian powers, Marcos did not allow the Tripoli Agreement to take off the ground and become a meaningful accord to govern Muslim-Christian relations. After getting what he wanted most – the ceasefire of all hostilities, he took steps to manipulate the situation to weaken and marginalize the separatist movement. Using his decree-making powers, Marcos called for a plebiscite in the autonomous region, leading to a divided autonomous region without real authority to govern itself. The Tripoli Agreement had little effect on the conflict even as Marcos manipulated the Muslim separatist issue to become a war of attrition.

Marcos used the divide and conquer tactic on the secessionist movement. Sooner than expected, several factions came out of the MNLF. The first to emerge in 1977 was the Moro National Reform Movement composed mostly of former MNLF field commanders and officers. They asked Marcos to include them in talks with the Muslim rebels. Also in 1977 , the Moro Islamic Liberation Front led by Hashim Salamat, an Islamic scholar and former MLNF leader who handled international issues. It gained many adherents because Salamat argued for making the practice of Islam a way of life in the Islamic communities. Misuari espoused Islamic socialism to show the heavy influence of Marxist doctrines when he was a member of the Kabataang Makabayan. In contrast, Salamat advocated Islamic fundamentalism. After MILF, theBangsa Moro National Liberation Organization (BMLO) came out from the Maranao community. The MNLF-Reformist Group also came out to protest Misuari’s alleged return to secession. It was led by Dimasangkay Pundato, a Maranao. Both the MNLF and MNLF-Reformist Group were moderate in their orientation as they fought within the framework of autonomy.

Because of the emergence of at least five different groups, all claiming to represent the Muslim communities, Marcos relegated the issue to the backburner. His government refused to meet any group in the negotiating table. Until the 1986 EDSA Revolution took over and deposed Marcos in a near bloodless people’s revolution, the Islamic issue was not discussed. But the government of Corazon Aquino, the successor of Marcos, resurrected it. But this was another story. (Itutuloy)

***

MGA PILING SALITA: “When the time comes, will Bantag seek haven in Davao? Remember that Pharmally official who was apprehended in Davao? Sino nga yun?” – Isabel Merana, netizen, social critic

“It was a good thing GM Wesley So left the Philippines to play for the U.S. Otherwise, he ‘ll be at the mercy of Prospero Pichay. He’ll be impoverished playing for the Phl.” – PL, netizen

The post FERDINAND MARCOS (Ika-16 na Bahagi) appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
FERDINAND MARCOS (Ika-16 na Bahagi) FERDINAND MARCOS (Ika-16 na Bahagi) Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 10, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.