Facebook

PBBM tutok sa pagsaayos sa ekonomiya; at pasama eng koleksyon sa Customs

SA kanyang unang apat na buwan bilang Pangulo ng Pilipinas, nakita nating ginagawa lahat ni Bongbong Marcos, Jr. ang kanyang makakaya para maging maayos ang kanyang administrasyon.

Batid naman natin kung gaano kalaking problema ang dinatnan ng kanyang administrasyon. Pero hindi natin narinig na sinisisi niya ang nakaraang pamahalaan.

Sabi nga niya, wala siya pakialam kung ano man ang mga naging katiwalian ng mga opisyal ng nakaraang administrasyon. Ang pokus niya ay sa kanyang gobyerno, mapaige ang ekonomiya ng bansa at maayos ang pamamuhay ng mga Filipino.

Kaya nga inupuan muna ni PBBM ang Department of Agriculture, na natadtad ng katiwalian sa nakaraang administrasyon. Nilimitahan niya ang importation ng agricultural products tulad ng asukal pati bigas para hindi malugi ang ating mga magsasaka. Kaya naman hindi na makaporma ang mga smuggler at mga tusong negosyanteng nagtatago ng mga produkto para mapataas ang presyo sa merkado.

Maging sa pagtugon sa mga kalamidad ay 24 oras nakabantay si PBBM. Tulad lamang dito sa nakaraang bagyong Paeng na apat na araw nanalasa sa buong bansa. Kahit nasa kasagsagan pa ng bagyo ay pinasugod niya ang NDRRMC, DPWH at DSWD para sa rescue operations at pamamahagi ng relief goods at cash assistance. Kaya walang reklamo ang mga LGU na nabomba ng kalamidad.

Oo! Pinaalis na rin ni PBBM ang ‘ticket system’ sa pamamahagi ng relief goods. Pahirap lang daw ito sa mga taong nangangaialngan ng agarang tulong. Okey lang aniya kahit magdoble ang pamamahagi ng relief packs, hindi naman raw ito ikayayaman nung tao. Ang importante ay hindi magutom ang mga taong grabeng naapektuhan ng bagyo. Mismo!

Sa ipinakikitang ito ni PBBM sa kanyang unang apat na buwan sa kanyang administrasyon, masasabi kong “very good” siya. Yes!

Sa totoo lang, hindi ko ibinoto si PBBM. Pero bilib ako sa kanyang mga ginagawa ngayon. Wala na akong masabi pa kundi ‘keep it up, Mr. President!’

***

Hindi dapat maging kampante si PBBM dito sa koleksyon ng Bureau of Customs sa pamumuno ni Yogi Felimon Ruiz.

Dahil ang ipinagmamalaki ni Ruiz na surplus sa koleksyon mula sa buwan ng August, matapos siyang ipalit kay “Jagger” Guerrero noong Hulyo 25, 2022, ay “barya-barya” lang sa naging koleksyon noon ni Jagger.

Oo! Ang sinasabing surplus sa koleksyon mula buwan ng August hanggang nitong Oktubre ay pababa nang pababa. Baka pagtapos ng taon ay kapos na ang koleksyon at bulsa nalang nila ang mag-umapaw! Tama ba ako, Cynthia B? Araguy!!!

Bilib lang ako kay Yogi sa pang-amoy niya sa mga iligal na droga. Marami na silang nasabat na mga “bato” ng Intsik at imported na “damo” ni Uncle Sam. Ito naman kasi talaga ang specialty niya bilang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pero sa pagsakote sa smuggler, waleh! Kahit itanong nyo pa, Tita Cynthia, kay “Super Ate” Senador Imee Marcos. Hehehe…

Oo nga… ano na ba ang nangyari sa mga smuggler na pinakakasuhan ni Sen. Imee? Mukhang ‘di naman inaksiyunan ni Yogi eh.

Manmanan!

The post PBBM tutok sa pagsaayos sa ekonomiya; at pasama eng koleksyon sa Customs appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PBBM tutok sa pagsaayos sa ekonomiya; at pasama eng koleksyon sa Customs PBBM tutok sa pagsaayos sa ekonomiya; at pasama eng koleksyon sa Customs Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 06, 2022 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.