NASAWI ang isang titser, at sugatan ang 25 pang guro nang mahulog sa bangin ang service bus ng Department of Education (DepEd) sa Barangay Tala, Orani, Bataan.
Lulan ang mga guro ng JAC Ankai bus (SAA 9845) ng DepEd na minamaneho ni Mardelino Oliva, 62 anyos, ng San Jose Del Monte City, Bulacan
Ayon sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, nangyari ang sakuna 11:40 ng umaga sa kahabaan ng Vicinal Road, Brgy. Tala.
Ayon sa isa sa mga faculty member na si Mon Aspa, nahulog ang bus sa bangin sa Sito Butarero, Brgy. Tala.
Pauwi na ang mga guro mula sa dinaluhan nilang seminar sa Sinagtala Resort nang mawalan umano ng preno ang bus at bumulusok sa bangin.
Dinala na sa Orani Emergency Hospital ang mga nasugatang sakay ng bus.
Sa hiwalay na pahayag ng Quezon City LGU, ang naturang bus ay donasyon sa Schools Division Office noon 2016.
Lulan nito ang mga Public Schools Gender and Development coordinators.
The post School bus nahulog sa bangin: 1 titser nasawi, 25 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: