KASABAY ng paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, sasabayan sana ng mga umaalmang residente sa Katuparan sa Vitas Tondo ng kilos protesta ngunit binantaan silang huhulihin.
Dahil pa rin ito sa mahigpit na pagtutol nila sa pagtatayo ng isang residential building sa kanilang lugar na proyekto ng National Housing Authority (NHA), nang walang tiyak na relokasyon para sa kanila.
Napag-alaman na kasabay din nito ang ground breaking ng tinatawag na Vitas High Rise Building.
Ayon sa alyansa ng mga Residente ng Katuparan (ARK), nasa 500 pamilya ang maaapektuhan ng programa.
Bukod sa condominium, may gagawing sabungan sa lugar na siyang ikinadidismaya ng mga residente.
Sa panahon ng pandemya, giit ng mga residente na huwag munang ituloy ang demolisyon dahil hindi naman lahat sila kasama sa programa at mabibigyan ng pabahay.
Tiniyak naman ni Manila Rep. Manuel Lopez nang dumating sa Katuparan sa mga residente na aasikasuhin naman sila ng gobyerno habang isinasagawa ang proyekto. (Jocelyn Domenden)
The post Residente sa Katuparan sa Tondo umaalma sa itatayong gusali appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: