Ni NONIE V. NICASIO
MULING magsasabog ng alindog ang hot na Vivamax contract artist na si Shiena Yu. Ito’y via the movie Pamasahe ni Direk Roman Perez Jr. at tinatampukan nina Azi Acosta, Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Shierlyn Fuentes, Julio Diaz, AJ Oteyza, Chadd Solano, Vino Gonzales, at iba pa.Si Shiena ay unang napanood sa pelikulang Sitio Diablo. Sa vital statistics niyang 34-24-36, matatakam at magiging solb sa aktres ang maraming barako.
Palaban at walang takot sa hubaran si Shiena. Actually, game siya sa frontal nudity!
“Yes, game na game ako kahit sa frontal nudity. Sabi nga sa movie na Blonde sa Netflix , ‘Ang katawan ng tao ay nakatadhana para makita,’” nakangiting bulalas ni Shiena.
Ano ang role niya sa Pamasahe at paano niya ide-describe ang movie?
“Ako rito yung mabait na maganda pa at sobrang sexy. Asawa po ako rito ni Felix Roco bilang Kuya Toto at hipag ni Azi Acosta bilang Lineth.
“Itong movie na Pamasahe, para sa akin, kawawa talaga ang mga kababaihan na walang laban sa mga taong mapagsamantala, iyon po ang makikita nila rito.”
Ano ang masasabi niya sa co-stars niya rito?
Tugon niya, “Napakahusay oi, bukod doon, parang hindi ka nagtatrabaho kasi hindi sila mahirap pakisamahan. The best ang team na nakasama ko sa pelikulang ito na Pamasahe.”
Palaban siya sa love scene sa movies, pero sa tunay na buhay anong klase siyang lover?
“Pagdating sa pagiging lover, sweet girl lang po ako, Simple lang po,” sambit niya.
Paano niya ide-describe ang sarili bilang GF? Siya ba ang babaeng tipong ginagawa ang lahat para ma-satisfy ang mahal niya?
“I describe myself po as a GF and as a lover na… funny po ako sa relationship, hindi po ako KJ na maraming bawal. Basta alam mo yung limit mo.
“Ako rin po yung tipo ng GF na loyal at may malaking respeto sa partner ko, clingy po ako at mahilig akong tumawa sa maliit na bagay lang,” nakangiting wika pa ni Shiena.
The post Vivamax hubadera na si Shiena Yu game sa frontal nudity! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: